ホーム > 電子県庁・県政運営・県勢 > 地方分権・自治・外交 > 国際政策・貿易 > Mga pagsisikap na ginagawa kaugnay sa edukasyon(タガログ語)

更新日:2024年3月22日

ここから本文です。

Mga pagsisikap na ginagawa kaugnay sa edukasyon(タガログ語)

Ipinapakilala ang Kanagawa Prefectural Initiatives para sa mga Dayuhan

nihongoenglishkantaijikoreanspanishportuguesethaivietnameselaoscambodia

Mga pagsisikap na ginagawa kaugnay sa edukasyon

Mga pagsisikap na ginagawa kaugnay sa pagpasok sa pampublikong high school

Sa mga pampublikong high school sa Kanagawa Prefecture, may natatanging paraan sa pagsusulit para sa mga hindi nagsasalita ng wikang Hapon bilang sariling wika, tulad ng mga dayuhan, mga lumipat mula sa ibang bansa, at iba pa.

Bilang patakaran, kung nakatira sa Japan sa loob ng anim na taon mula sa pagpasok sa bansa,maaaring gawin ng aplikante mismo ang aplikasyon sa pagkuha ng pagsusulit na may furigana (reading support) na nakasulat sa mga katanungan. May mga high schools din na may nakalaang enrollment quotao kapasidad para sa mga dayuhan.)

Pakitingnan ang “Guidebook sa pagpasok sa mataas na paaralang pampubliko” para mga detalyeukol sa nilalaman ng pagsusulit, klase, tuition fees at iba pa.

“Guidebook sa pagpasok sa mataas na paaralang pampubliko” ng Kanagawa Prefecture

(May pagsasalin sa wikang Ingles, Intsik, Espanyol, Portuguese, Tagalog, Koreano, Thai,
Cambodian, Nepalese (Nepali), at Vietnamese.)

【Para sa mga katanungan】

Para sa pampublikong paaralan: High School Education Division, Kanagawa Prefecture Board of Education  045-210-8084

Konsultasyon ukol sa pag-aaral ng mga dayuhan

Isinasagawa ang “konsultasyon ukol sa pag-aaral ng mga dayuhan” sa Kanagawa Plaza for Global Citizenship (Earth Plaza), Kanagawa Prefecture. Nasasakop ang mga dayuhang mag-aaral, mga magulang, paaralan at mga supporters. Maaari din na kumunsulta sa wikang banyaga (Tagalog,Portuguese, Intsik, Espanyol, Vietnamese).

Maaaring kumunsulta sa pamamagitan ng telepono, FAX, o email. Kung nais kumunsulta nang personal, kailangang tumawag muna sa telepono.

【Pook】

2F Information Forum, Kanagawa Plaza for Global Citizenship (Earth Plaza), Kanagawa Prefecture

(Limang minuto pagbaba mula sa Hongodai Station ng JR Keihin Tohoku / Negishi Line)

【Numero ng telepono】

045-896-2970(wikang Hapon)

045-896-2972(Tagalog, Portuguese, Intsik, Espanyol, Vietnamese)

【Oras ng konsultasyon】

10:00 hanggang 13:00, 14:00 hanggang 17:00 (matatapos ang pagtanggap sa 16:30)

【Araw ng konsultasyon at wika】

Tuwing Martes: Tagalog, simpleng wikang Hapon
Consultasyon ukol sa pag-aaral ng mga dayuhan

Tuwing Miyerkules: Portuguese, simpleng wikang Hapon
Consultas Educacionais para Estrangeiros

Tuwing Huwebes, Sabado: Intsik, simpleng wikang Hapon
外国人教育咨询

Tuwing Biyernes: Espanyol, Vietnamese, simpleng wikang Hapon
Consulta Educa cional para Extranjeros

Tư vấn về giáo dục dành cho người nước ngoài

*Sarado kapag piyesta opisyal.

Listahan ng paaralan para sa mga dayuhan sa loob ng prepektura

Ang sumusunod ay ang listahan ng bawat uri ng paaralan para sa mga dayuhan na nabigyan ng pahintulot ng Kanagawa Prefecture.

  • Tsurumi Korean Elementary School
    230-0046 10 Onocho, Tsurumi-ku, Yokohama-shi  045-501-4269
  • Kanagawa Korean Junior / Senior High School
    221-0844 21 Sawatari, Kanagawa-ku, Yokohama-shi  045-311-0688
  • Yokohama Korean Elementary School
    221-0844 21 Sawatari, Kanagawa-ku, Yokohama-shi  045-311-4966
  • Saint Maur International School
    231-8654 83 Yamatecho, Naka-ku, Yokohama-shi  045-641-5751
  • Horizon Japan International School
    221-0055 1-24 Onocho, Kanagawa-ku, Yokohama-shi  045-624-8717
  • Yokohama International School
    231-0862 258 Yamatecho, Naka-ku, Yokohama-shi  045-622-0084
  • Yokohama Yamate Chinese School
    231-0024 2-66 Yoshihamacho, Naka-ku, Yokohama-shi  045-641-0393
  • Yokohama Overseas Chinese School
    231-0023 142 Yamashitacho, Naka-ku, Yokohama-shi  045-681-3608
  • Deutsche Schule Tokyo Yokohama
    224-0037 2-4-1 Chigasaki-minami, Tsuzuki-ku, Yokohama-shi  045-941-4841
  • Kawasaki Korean Elementary / Junior High School
    210-0833 2-43-1 Sakuramoto, Kawasaki-ku, Kawasaki-shi  044-266-3091
  • Nambu Korean Elementary School
    213-0013 3-1-15 Suenaga, Takatsu-ku, Kawasaki-shi  044-866-6411

【Para sa mga katanungan】

Private School Affairs Division 045-210-3768

Mga Klase sa wikang Hapones ng mga boluntaryo

Maaari kang maghanap ng mga klase para sa wikang Hapon ng mga boluntaryo sa Prepektura ng Kanagawa sa sumusunod na homepage.

Website ng Kanagawa International Foundation
Database para sa mga klase sa wikang Hapon (nilikha ng Yokohama Association for International Communication and Exchanges)

 

このページに関するお問い合わせ先

このページの所管所属は文化スポーツ観光局 国際課です。