ホーム > 電子県庁・県政運営・県勢 > 地方分権・自治・外交 > 国際政策・貿易 > Pangrehiyong edukasyon sa wikang Hapon ng Kanagawa (Tagalog)

初期公開日:2023年4月27日更新日:2024年6月13日

ここから本文です。

Pangrehiyong edukasyon sa wikang Hapon ng Kanagawa (Tagalog)

Ipinapaalam dito ang direksyon ng mga hakbang para sa panrehiyong edukasyon para sa wikang Hapon sa Kanagawa.

Direksyon ng mga hakbang para sa panrehiyong edukasyon sa wikang Hapon sa Kanagawa

Noong Marso 2020, pinagsama-sama ng prepektura ang direksyon ng patakaran para sa pagsulong ng panrehiyong edukasyon sa wikang Hapon sa prepektura, batay sa mga probisyon ng Batas sa Pagsusulong ng Edukasyon sa wikang Hapon na pinagtibay noong Hunyo 2019, na nagtatakda ng mga responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan , gayundin ang kasalukuyang katayuan at mga isyu ng mga patakaran sa edukasyon sa wikang Hapon sa mga munisipalidad sa prepektura, at isinasaalang-alang ang mga tungkulin ng gobyerno, mga boluntaryo sa wikang Hapon at mga kaugnay na organisasyon.

Portal site ng "Kanagawa de Nihongo"

Ito ang portal na site para sa panrehiyong edukasyon sa wikang Hapon sa Kanagawa. Nagbibigay kami ng iba't ibang impormasyon sa pag-aaral ng wikang Hapon.

nihongo_1080

Kurso sa wikang Hapon para sa mga dayuhang residente ng prepektura na mga baguhan sa wikang Hapon (hajimetenonihongo) 

Ang mga masinsinang kurso sa wikang Hapon ay inaalok ng mga espesyalista, na kinabibilangan ng pang-araw-araw na oryentasyon sa buhay, atbp., para sa mga dayuhang residente ng prepektura na mga baguhan sa wikang Hapon.

hajimete_tg.png

Suporta sa pag-aaral ng wikang Hapon/ pagbibigay ng impormasyon

Nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa mga klase sa wikang Hapon, mga paaralan ng wikang Hapon, at iba pang oportunidad sa pag-aaral para sa mga dayuhang residente na gustong mag-aral ng wikang Hapon, gayundin ang mga mapagkukunan sa mga pamamaraan ng pag-aaral, kabilang ang mga materyales sa ICT, sa pamamagitan ng Internet, telepono, at iba pang paraan. Ang impormasyon ay ibibigay sa maraming wika kung kinakailangan.

Bilang karagdagan, para sa mga boluntaryo sa wikang Hapon at iba pa na gustong magbigay ng suporta sa pag-aaral, nagtitipon kami ng impormasyong kailangan para sa kanilang mga aktibidad at ibinibigay ito sa pamamagitan ng Internet at iba pang paraan.

soudan_tg.png   online_tg.png

leaflet_nihongo

Forum sa Panrehiyong edukasyon sa wikang Hapon sa Kanagawa

Ang mga lektura sa mga programang nauugnay sa Pangreiyong edukasyon sa wikang Hapon at mga  talakayan ng mga taong may sapat na kaalaman upang magbigay ng pagkakataon para sa lahat na isaalang-alang ang kinabukasan ng Pangrehiyong edukasyon sa wikang Hapon sa Kanagawa.

forum_tg.png

Pagsasanay para sa mga magsasagawa ng suporta sa pag-aaral ng wikang Hapon (mga tauhan na maaaring mamuno)

Ang pagsasanay ay idinisenyo upang pahusayin ang pagiging kaakit-akit ng mga klase sa wikang Hapon, na isa ring lugar para sa mutual na pagkakaunawaan sa pagitan ng mga dayuhang residente ng prepektura at ng lokal na komunidad, at upang paunlarin ang mga ito bilang isang sentro para sa samahan ng ibat’t ibang kultura sa komunidad. 

LeaderTraining_tg.png

* Link para sa pahina ng "Kanagawa de Nihongo"

(Ipapaalam namin sa pahinang ito kung mayroong mga pangangalap na isasagawa)

このページに関するお問い合わせ先

このページの所管所属は文化スポーツ観光局 国際課です。